Kada Linggong Kaligtasan sa Unang Tatlong Buwan (First Trimester) na Aborsyon
Ang mga aborsyon gamit ang pill na ginaganap nang maaga sa pagbubuntis ay may mababang panganib ng komplikasyon. Ang panganib ng mga komplikasyon, kabilang ang hindi kumpletong aborsyon, ay tumataas habang nagpapatuloy na mabuo ang pagbubuntis. Halimbawa, ang mga pagbubuntis na wala pang 9 na linggo ay may rate ng komplikasyon na wala pang 1%, habang ang mga pagbubuntis sa pagitan ng 10-13 linggo ay may rate ng komplikasyon na hanggang sa 3%.
Ano Ang Inyong Makikita Sa Isang Aborsyon sa Pagitan ng 10-13 Linggo?
Ang isang medikal na aborsyon ay magsasanhi ng pagdurugo. Ang pagdurugo na ito ay maaaring maging mas malakas kaysa sa inyong normal na regla at maaaring may kasamang mga namuong dugo. Sa isang aborsyon na nasa pagitan ng 10-13 linggo, posibleng makakita ng isang bagay na maaaring nakikilala niyo bilang ang ipinagbubuntis, o maaaring magmukhang tissue o namuong dugo. Normal lang ito at hindi niyo dapat ikaalarma. Ito ay isang senyales na ang aborsyon ay nagpapatuloy tulad ng inaasahan. Pagdating sa malakas na regla, maaari niyong ligtas na itapon ang mas malalaking namuong dugo o tissue sa inidoro. Kung kayo ay naninirahan sa isang bansa kung saan iligal ang aborsyon o mga abortion pill, siguruhing itapon niyo nang maingat at palihim ang anumang nakikilalang bagay.
Mga May-akda:
- Lahat ng nilalaman na itinampok sa website na ito ay isinulat ng HowToUseAbortionPill.org team alinsunod sa mga pamantayan at protocol mula sa The National Abortion Federation, Ipas, the World Health Organization, DKT International at carafem.
- Ang National Abortion Federation (NAF) ay ang propesyonal na samahan na nagkakaloob ng pagpapalaglag sa Hilagang Amerika, at ang lider sa pro-choice movement. Ang nilalaman ng HowToUseAbortionPill.org ay nakahanay sa mga alituntunin sa Klinikal na Patakaran ng 2020 na inilabas ng NAF.
- Ipas ay ang internasyonal na organisasyon na nakatuon lang sa pagpapalawak ng akses sa ligtas na pagpapalaglag at pangangalaga na kontra sa pagkakaroon ng anak. Ang nilalaman ng HowToUseAbortionPill.org ay nakahanay sa Mga Klinikal na Update Sa Reproduktibong Kalusugan ng 2019 na inilabas ng Ipas.
- Ang World Health Organization (WHO) ay isang espesyalisadong ahensiya ng United Nations na responsable sa internasyonal na pampublikong kalusugan. Ang nilalaman ng HowToUseAbortionPill.org ay nakahanay sa Ligtas na pagpapalaglag ng 2012: alituntuning teknikal at patakaran sa mga sistema ng kalusugan na inilabas ng WHO.
- Ang DKT International ay isang rehistradong, hindi nagtutubong organisasyon na itinatag noong 1989 upang magtuon ng pansin sa kapangyarihan ng social marketing sa ilang malalaking bansa na may mga pinakamatinding pangangailangan sa pagpaplanong pampamilya, pag-iwas sa HIV/AIDS at ligtas na pagpapalaglag.
- carafem ay isang klinikal na network na nagbibigay ng kumbenyente at propesyonal na pangangalaga sa pagpalaglag at pagpaplanong pampamilya upang sa gayon makontrol ng mga tao ang bilang at agwat ng kanilang mga anak.
Mga Sanggunian:
- “Safe abortion: technical and policy guidance for health systems.” World Health Organization. https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/70914/;jsessionid=B7AEEBE4F34809D869F73B1ABA7F6221?sequence=1
- “Clinical updates in reproductive health.” Ipas. https://www.ipas.org/resource/clinical-updates-in-reproductive-health/
- “Clinical policy guidelines for abortion care.” National Abortion Federation (NAF). https://5aa1b2xfmfh2e2mk03kk8rsx-wpengine.netdna-ssl.com/wp-content/uploads/2018_CPGs.pdf