Sino Kami at Ang Lawak Ng Patakaran Na Ito:

Ang HowToUseAbortionPill (ang Organisasyon o Kami) ay isang non-profit na organisasyon na nagbibigay ng digital na sistema na may website at mga kaugnay na teknolohiya upang ikonekta ang mga tao sa buong mundo sa tumpak at iniangkop na impormasyon tungkol sa ligtas na aborsyon gamit ang pills, na nagbibigay-daan sa kanila na magkaroon ng ligtas na aborsyon sa sarili nilang mga tuntunin (ang Sistema). Ang Sistema ay nangangalap ng personal na nakapagtutukoy na impormasyon (personally identifiable information/PII) tungkol sa mga user nito, kabilang ang mga tauhan ng Organisasyon, mga freelancer, at mga aplikante sa trabaho (Mga User). Ang Patakaran sa Privacy na ito ay idinidetalye ang mga uri ng PII na kinokolekta namin at mga karapatan ng Mga User hinggil sa kanilang PII. Habang aming kinokontrol ang maraming aspeto ng Sistema, ang ilang partikular na elemento ay ibinibigay ng External Service Providers upang mapahusay ang pagiging epektibo nito.
Ang Patakaran sa Privacy na ito ay itinatag upang pangalagaan ang privacy ng Mga User.

Mga Pagbabago Sa Patakaran Na Ito at Mga Karagdagang Abiso Sa Privacy

Tinataglay namin ang karapatang baguhin sa hinaharap ang Patakaran sa Privacy na ito. Hindi namin ipapaalam sa mga user ang mga maliliit na pagbabago na hindi gaanong nakakaapekto sa kanilang privacy – tulad ng pagbibigay ng pinahusay na proteksyon sa privacy, pagtatama ng mga typographical error, o pagdaragdag ng pangsuplementong impormasyon. Para sa anumang malaking pagbabago, aming ipapaalam ito sa Mga User sa pamamagitan ng email. Kung walang balidong email address mula sa isang User, hindi namin sila maaabisuhan sa anumang mga pagbabago sa Patakaran. Ang Patakaran sa Privacy na ito ay maaaring ma-update o masuplementuhan namin sa pamamagitan ng mga bagong bersyon o mga karagdagang abiso sa privacy na nauugnay sa mga partikular na pakikipag-ugnayan sa amin. Ang mga abisong ito alinman ay maaaring naka-embed sa Patakaran na ito, naka-post sa website ng Organisasyon, at/o gawing available sa iyo nang hiwalay.

Mga Link Sa Sa Mga Site Ng Ikatlong Partido (Third-party Sites)

Ang Patakaran sa Privacy na ito ay hindi lumalawig sa mga site ng ikatlong partido na maaaring ma-link o ma-access mula sa Sistema. Hindi kami mananagot para sa nilalaman, mga tampok, paggana, o mga gawi sa privacy ng mga naturang naka-link na site o serbisyo. Ang pangongolekta at paggamit ng data ng anumang naka-link na site ng ikatlong partido ay pinamamahalaan ng abiso, pahayag, o patakaran sa privacy ng entidad na iyon. Hinihikayat ka namin na basahin ang mga ito.

Nakolektang Personal Na Nakapagtutukoy Na Impormasyon:

Sa Patakaran sa Privacy na ito, ang lahat ng personal na nakapagtutukoy na impormasyon (personally identifiable information) ay sama-samang tinawag bilang “PII”. Nangangalap kami ng malawak na hanay ng PII mula sa at tungkol sa Mga User, depende sa User at konteksto. Kaya naman, maaaring saklawin ng PII ang:

  • Pangalan.
  • Email address.
  • Numero ng telepono.
  • IP address, tagapagbigay-serbisyo ng internet, uri ng browser, at wika.
  • Lokasyon.
  • Time Zone.
  • Mga wikang ginagamit:
  • Edad, kasarian, mga personal na larawan, at iba pang personal na impormasyon na ibinibigay ng Mga User.
  • Impormasyon na ibinibigay ng Mga User patungkol sa kanilang kalusugan, mga isyu sa reproduktibo/pagbubuntis, mga dahilan sa pakikipag-ugnayan sa Sistema, at kanilang mga kakayahan na i-access at magbayad para sa mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na pangreproduktibo.
  • Istatus sa pagtatrabaho at impormasyon ng employer
  • Mga testimonya at rating na ibinigay sa anumang aspeto ng Sistema.

Pangongolekta Sa Iyong Personal Na Impormasyon:

Humihingi kami ng pahintulot bago kolektahin ang PII. Sa pakikipag-ugnayan sa Sistema, nagpapahintulot ang Mga User sa parehong (1) mga tuntunin ng Patakaran sa Privacy na ito at (2) sa aming koleksyon, paggamit, at pagpapanatili ng impormasyon na kanilang ibinibigay at kinokolekta ng Sistema mula sa kanilang paggamit ng teknolohiya.
Sa ibang pananalita, sa anumang oras na nakikipag-ugnayan ang isang User sa Sistema, maaari nitong awtomatikong kolektahin ang PII mula sa teknolohiya na ginagamit ng User at kokolektahin ang anumang PII na ibinibigay ng User sa panahon ng alinmang naturang pakikipag-ugnayan sa Sistema.
Mga Pamamaraan para sa Pangongolekta ng Personal na Impormasyon:

  • Boluntaryong kontribusyon ng Mga User;
  • Mga pakikipag-ugnayan ng Mga User sa Sistema, kabilang ang Ikatlong partido (Third party)/External Service Providers.
  • Pakikipag-usap sa Mga User.

Patuloy naming hinahangad ang mahuhusay at matatatag na pamamaraan sa pangongolekta ng PII, at i-a-update ang Patakaran sa Privacy na ito upang salaminin ang mga bagong pamamaraan.

Paano Namin Ginagamit Ang Iyong Personal Na Impormasyon:

Ginagamit namin ang PII na aming kinokolekta at/o tinataglay sa mga sumusunod na paraan:

  • Upang makipag-ugnayan sa iyo bilang isang User kabilang ngunit hindi limitado sa pagbibigay sa iyo ng makabuluhan at nakakatulong na impormasyon kaugnay sa iyong mga opsyong pangreproduktibo.
  • Analisahin ang anumang PII nang sa gayon ay aming mapabuti ang mga serbisyo, produkto, at halaga na aming inihahatid at/o ipinapaalam tulad ng mga pagpapabuti at kaugnay na impormasyon sa Mga User at sa iba pa.
  • Gumanap ng mga punsyong administratibo para sa Sistema at/o sa normal na itinatakbo ng pagtatrabaho at mga operasyon ng Organisasyon.
  • Magsagawa ng research para sa at/o ng Organisasyon.
  • Para sa ilang mga kurso ng eLearning na aming ibinibigay sa kolaborasyon ng iba pang mga organisasyon, aming ibinibigay sa iba pang mga organisasyon ang ilan sa PII na aming kinokolekta tungkol sa kanilang mga miyembro na lumalahok sa mga naturang kurso ng eLearning.
  • Mga pagsusumikap sa pangangalap ng pondo (fundraising), na maaaring kabilangan ng pagbibigay ng mga buod ng PII sa mga entidad na nag-aalok o maaaring mag-alok ng pagpopondo sa Organisasyon.
  • Magbigay ng PII sa mga nagpapatupad ng batas, iba pang ahensya o awtoridad ng pamahalaan, o mga ikatlong partido ayon sa inaatas ng naaangkop na batas, utos ng hukuman, subpoena, o legal na proseso na inilatag sa Organisasyon.

Gagawa kami ng makatwiran at legal na mga hakbang upang maiwasan na mapuwersang ihayag ang iyong PII ng anumang entidad ng gobyerno o ikatlong partido na naghahangad na i-access ito. Gayunpaman, may mga pagkakataon kung saan ang mga entidad ng gobyerno at/o mga ikatlong partido ay may legal na karapatan na pilitin ang mga entidad na tulad ng aming Organisasyon na ibunyag ang PII; at, sa mga ganitong sitwasyon, dapat na sumunod ang aming Organisasyon.

Pagdating sa PII na kinolekta at/o itinabi ng Third-Party Service Providers na nakikilahok sa Sistema, hindi namin kinokontrol ang kanilang paggamit at/o pagtatabi ng alinmang naturang PII.
Tulad ng ipinaliwanag sa seksyon ng Patakaran sa Privacy na ito na pinamagatang “ANG IYONG MGA KARAPATAN SA IYONG PERSONAL NA IMPORMASYON”, maaari mong maimpluwensyahan kung ano ang gingagawa namin sa iyong PII tulad ng tinukoy sa seksyon na iyan.

Ang Iyong Mga Karapatan Sa Iyong Personal Na Impormasyon:

Ang mga karapatan ng mga User patungkol sa iyong PII ay kinabibilangan ng:

  • Pag-access at pagtanggap ng mga kopya ng kanilang PII.
  • Pag-unawa sa kung paano nakuha at ginamit ang kanilang PII.
  • Pagtama o pagtanggal ng kanilang PII.
  • Pagmomodipika kung paano namin ginagamit ang kanilang PII.

Para sanayin ang alinman sa mga karapatang ito, dapat na magbigay sa amin ang Mga User ng isang balido, nabeberipikang email address at sundin ang mga tagubilin na itinakda sa ibaba sa seksyon na ito ng Patakaran sa Privacy na pinamagatang “PAANO KAMI KONTAKIN NA MAY MGA KAHILINGAN, KOMENTO, AT TANONG”. Kung hindi magbibigay sa amin ang User ng isang balido, nabeberipikang email address, hindi namin sila makokontak; at ito ay humahadlang (1) sa amin na notipikahin sila tungkol sa mga pagbabago sa patakaran na ito at/o mga isyu kaugnay sa kanilang PII (2) at sa pagbeberipika namin sa kanilang pagkakakilanlan (identity) nang sa gayon ay mapahintulutan namin sila na sanayin ang kanilang mga karapatan sa pag-access, pagtama, pagkontrol at pagtanggal ng kanilang PII.

Ang Patakaran Sa Privacy at Mga Gawi Ng Organisasyon Para Sa Mga Menor De Edad:

Hindi kami nananadyang mangolekta ng data mula sa mga indibidwal na wala pang 13 taong gulang. Dahil sa ang Sistema namin ay hindi nakatuon sa mga menor de edad, hindi namin bineberipika ang mga edad ng mga user na gumagamit ng aming website at mga serbisyo. Nangangahulugan ito na maaari naming hindi pinapakay at hindi sinasadyang kolektahin ang ilang PII ng isang menor de edad na gumagamit ng Sistema. Hanggang sa saklaw na ibinibigay ng Mga User ang PII tungkol sa mga taong wala pang 13 taong gulang, ang Organisasyon ay tatratuhin ang naturang PII alinsunod sa Patakaran sa Privacy na ito. Kung nalalaman namin na kami ay nakikipag-ugnayan sa isang tao na wala pang 13 taong gulang ang edad, aming sinasabihan ang tao na kailangan nila ng isang pahintulot ng magulang para makipag-ugnayan sa Sistema.

Seguridad Ng Data at Pagpapanatili Ng Mga Patakaran at Gawi:

Upang pangalagaan ang iyong PII, ginagawa namin ang mga sumusunod na hakbang:

  • Edukasyon tungkol sa Patakaran na ito: Aktibo naming tinuturuan ang mga tauhan, kasama, at Third-party Service Providers tungkol sa mga detalye ng Patakaran sa Privacy na ito, binibigyang-diin ang kritikal na tungkulin na kanilang ginagampanan sa pagpigil sa hindi awtorisadong pag-access o paggamit ng kanilang PII na nasa kanilang pangangalaga.
  • Mga Pagpapahusay sa Seguridad: Ang aming patuloy na pangako sa pagpapahusay sa seguridad ng PII ay nasasalamin sa aming kasalukuyang mga pagsisikap. Amin nang naipuwesto ang ilang mga protokol sa seguridad na nakatuon sa paghadlang ng hindi awtorisadong pag-access o maling paggamit. Sa pagwawakas sa aming mga inisyatiba sa pag-upgrade ng seguridad, kami ay magbibigay ng isang na-update na buod ng mga hakbang na ito na nasa Patakaran sa Privacy na ito. Huwag mag-alinlangan na umugnay sa amin para sa anumang mga klaripikasyon.
  • Patakaran sa pagpapanatili ng data: Pangkaraniwan, ang aming gawi ay ang tanggalin ang lahat ng PII isang taon pagkatapos na makuha ito. Gayunpaman, dahil sa mga pagkasalimuot ng aming Sistema, ang timeline na ito ay hindi palaging nakakamit. Mahalagang tandaan na ang patakaran sa pagpapanatili na ito ay hindi lumalawig sa nakalap o naitabing PII ng Third-Party Service Providers.
  • Patakaran sa Encryption ng Data: Sa pagkilala sa pagiging kritikal ng pag-encrypt ng nakolektang PII, aktibo naming minomodipika ang aming Sistema upang matiyak ang kumpletong encryption ng PII na naitabi. Sa kasalukuyan, ang prosesong ito ay hindi ganap na ipinatupad sa lahat ng PII. Higit pa dito, ang estratehiyang ito ng encryption ay hindi sumasaklaw sa PII na nasa kustodiya ng Third-Party Service Providers.
  • Pagdating sa Third-Party Service Providers: hindi pa kami nakapagsagawa ng mga independiyenteng beripikasyon ng kanilang inangking mga hakbang pangseguridad. Ang naturang independiyenteng pagtatasa ay masyadong mahal at kokonsumo ng labis na oras para sa isang entidad na tulad ng aming Organisasyon; at ang karamihan ng third-party service providers ay hindi pahihintulutan na maisagawa ang mga pagtatasang ito.

DO NOT TRACK” Na Pagbubunyag:

Hindi namin sinusubaybayan ang mga tao sa mga website ng ikatlong partido (third party websites) para magbigay ng naka-target na advertising. Samakatuwid, hindi kami tumutugon sa Do Not Track (DNT) signals.

Paano Kami Kontakin Na May Mga Kahilingan, Komento, at Tanong:

Para sa mga kahilingan, komento, o tanong, i-email kami sa info@howtouseabortionpill.org. Bineberipika namin ang mga pagkakakilanlan gamit ang on-file email bago talakayin ang PII.

Tulad ng nakasaad sa itaas, kung ang isang User ay hindi magbibigay sa amin ng isang balido, nabeberipikang email address kapag orihinal na nakikipag-ugnayan sa amin at nagbibigay sa amin ng PII, hindi namin mabeberipika pagkatapos ang kanilang pagkakakilanlan; at ito ay pumipigil sa amin sa pagpapahintulot sa sinuman na sanayin ang alinmang karapatan kaugnay sa PII na nasa aming pag-aari.”

Huling Update:

Ang Patakaran sa Privacy na ito ay na-update noong Pebrero 14, 2014. Aming i-a-update ang Patakaran sa Privacy na ito nang hindi bababa sa isang beses kada 12 buwan.

HowToUseAbortionPill.org ay kaanib sa isang rehistradong organisasyon na hindi nagtutubo na 501c(3) na nakabase sa US.
HowToUseAbortionPill.org ng nilalaman na nilayon para lang sa mga layunin ng impormasyon at hindi kaanib ng isang medikal organisasyon.

    Itinataguyod ng Women First Digital