Mga Tuntunin at Kondisyon

Pangkalahatan

Sa paggamit ng Mga Serbisyo, sumasang-ayon kayo sa lahat ng Mga Tuntunin ng Serbisyo, na maaaring pana-panahong baguhin. Kailangan niyong regular na suriin ang pahinang ito upang mapansin ang anumang mga pagbabago na maaaring ginawa namin sa Mga Tuntunin ng Serbisyo.
Taglay namin ang karapatan na bawiin o amyendahan ang Mga Serbisyo nang walang paunawa. Hindi kami mananagot para sa anumang dahilan na ang Website na ito ay hindi magagamit sa anumang oras o sa anumang panahon. Pana-panahon, maaari naming higpitan ang access sa ilang bahagi o sa buong Website na ito.
Ang Website na ito ay maaaring maglaman ng mga link sa iba pang mga website (ang “Mga Naka-link na Site”), na hindi pinatatakbo ng www.howtouseabortionpill.org. Ang Website na ito ay walang kontrol sa Mga Naka-lik na Site at hindi tumatanggap ng pananagutan para sa mga ito o para sa anumang pagkawala o pinsala na maaaring lumitaw sa inyong paggamit sa mga ito. Ang paggamit niyo sa Mga Naka-link na Site ay sasailalim sa mga tuntunin ng paggamit at serbisyo na nasa bawat nasabing site.

Patakaran sa Privacy

Ang aming patakaran sa privacy, kung saan ay nakatakda kung paano namin gagamitin ang inyong impormasyon, ay maaaring makita sa sa www.howtouseabortionpill.org/tl/privacy-policy. Sa pamamagitan ng paggamit sa Website na ito, kayo ay sumasang-ayon sa pagproseso ng inilalarawan dito at naggagarantiya na ang lahat ng data na inyong ibinigay ay tumpak.

Mga Ipinagbabawal

Hindi niyo dapat gamitin nang mali ang Website na ito. Kayo ay hindi: gagawa o manghihikayat ng isang criminal na pagkakasala; ilipat o ipamahagi ang isang virus, trojan, worm, logic bomb o anumang iba pang materyales na malisyoso, nakapipinsala sa teknolohiya, lumalabag sa tiwala o sa anumang paraan ay nakakasakit o malaswa; maghahack sa anumang aspeto ng Serbisyo; maninira ng data; magsasanhi ng pagkayamot sa iba pang mga gumagamit (users); maglalabag sa mga karapatan ng sinumang tao sa kanilang mga karapatan sa ari-arian; magpapadala ng anumang hindi hinihinging pagpapatalastas o pangpromosyong materyales, karaniwan ay tinatawag bilang isang “spam”, o tangkang apektuhan ang pagganap o punsyon ng anumang pasilidad ng kompyuter ng, o sa pag-access sa Website na ito.
Ang paglabag sa probinsyon na ito ay maaaring maging sanhi ng isang pagkakasala at ang www.howtouseabortionpill.org ay i-uulat ang anumang naturang paglabag sa mga umuugnay na awtoridad sa pagpapatupad ng batas at isisiwalat ang inyong pagkakakinlanlan sa kanila.
Hindi kami mananagot sa anumang pagkawala o pinsala na dulot ng isang naipamahaging pag-atake sa pagtanggi ng serbisyo, virus o iba pang materyales na nakakapinsala sa teknolohiya na maaaring mahawahan ang inyong kagamitang kompyuter, mga programa sa kompyuter, data o iba pang materyales na inyong pag-aari dahil sa inyong paggamit sa Website na ito o sa inyong pag-download ng anumang materyales na nakapost dito, o sa anumang website na naka-link dito.

Intelektwal na Ari-arian, Software at Nilalaman

Ang mga karapatan sa intelektwal na ari-arian sa lahat ng software at nilalaman (kasama ang mga larawang pang-potograpiya) na ginawang magagamit sa inyo o sa pamamagitan ng Website na ito ay nananatiling pagmamay-ari ng www.howtouseabortionpill.org o kanyang mga tagapaglisensya nito at protektado ng mga batas sa copyright at mga kasunduan sa buong mundo. Ang lahat ng nasabing mga karapatan ay nakalaan sa www.howtouseabortionpill.org at mga tagapaglisensya nito. Hindi niyo maaaring itabi, ilimbag at i-display ang naitustos na nilalaman para sa inyong sariling personal na paggamit lamang. Hindi kayo pinahihintulutang maglathala, magmanipula, maglathala o kung hindi man ay kopyahin, sa anumang format, ang alinman sa nilalaman o mga kopya ng nilalaman na itinustos sa inyo o kaya’y lilitaw sa Website na ito o hindi niyo rin maaaring gamitin ang anumang naturang nilalaman na may kaugnayan sa anumang negosyo o komersyo.

Pagtatatuwa ng Pananagutan

Lahat ng nilalaman at materyales na ibinigay sa website ay inilaan para sa pangkalahatang impormasyon, pangkalahatang talakayan, at edukasyon lamang. Ibinigay ang nilalaman “sa kung ano ito,” at ang inyong paggamit o pagkaasa sa mga naturang materyales ay tanging nasa inyong sariling panganib.
Walang pangyayari na ang www.howtouseabortionpill.org ay mananagot para sa anumang uri ng pagkawala o pinsala, kabilang ang personal na pinsala, na nagreresulta mula sa nakapost na nilalaman sa Website o anumang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga gumagamit (users) ng Website, online man o offline.

Pag-link sa sa Website na ito

Maaari kayong mag-link sa aming home page, sa kondisyon na gagawin niyong patas at ligal at hindi makakapinsala sa aming reputasyon o kaya sasamantalahin ito, ngunit dapat ay hindi kayo magtatag ng isang link sa paraang magmumungkahi ng anumang uri ng asosasyon, pag-apruba o pag-endorso sa aming bahagi kung saan ay wala nito. Hindi kayo dapat magtatag ng isang link mula sa anumang website na hindi niyo pagmamay-ari. Ang Website na ito ay hindi dapat nakabalangkas sa anumang ibang pang site, o hindi kayo maaaring lumikha ng isang link sa anumang bahagi ng Website na ito maliban sa home page. Nakalaan sa amin ang karapatang bawiin nang walang abiso ang pahintulot ng pag-link.
Pagwawaksi ayon sa pagmamay-ari ng mga trademark, larawan ng mga personalidad at copyright ng pangatlong partido
Maliban kung saan malinaw na nakasaad sa salungat, ang lahat ng mga tao (kasama ang kanilang mga pangalan at larawan), ang mga trademark at nilalaman ng pangatlong partido, mga serbisyo at / o kaya mga lokasyon na itinampok sa Website na ito ay hindi nauugnay, naka-link o nakaanib sa www.howtouseabortionpill.org at hindi kayo dapat umasa sa pagkakaroon ng naturang koneksyon at pagkakaanib. Ang anumang mga trademark/pangalan na itinampok sa Website na ito ay pagmamay-ari ng kanya-kanyang tagapagmay-ari ng trademark. Kung saan ang isang trademark o pangalan ay tinukoy dito, ginagamit lamang ito para ilarawan o kilalanin ang mga produkto at serbisyo at hindi isang paninindigan na ang naturang produkto o serbisyo ay inendorso ng o konektado sa www.howtouseabortionpill.org.

Bayad-pinsala

Sumasang-ayon kayo na bayaran, ipagtanggol at panghawakan nang hindi nakakapinsala ang www.howtouseabortionpill.org, mga direktor nito, opisyal, empleyado, konsultant, ahente, at kaanib, mula sa anuman at lahat ng mga pag-aangkin, pananagutan, pinsala at / at gastos (kabilang, ngunit hindi limitado sa, ligal na bayarin) ng pangatlong partido na nagmumula sa inyong paggamit ng Website na ito o inyong paglabag sa Mga Tuntunin ng Serbisyo.

Pagpapabago-bago

Ang www.howtouseabortionpill.org ay may karapatan sa ganap na paghuhusga nito sa anumang oras at walang abiso na amyendahan, alisin o baguhin ang Mga Serbisyo at /o anumang pahina ng Website na ito.

Kawalang -bisa

Kung ang anumang bahagi ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ay hindi maipapatupad (kasama ang anumang probisyon kung saan ibinukod namin ang aming pananagutan sa inyo) ang pagpapatupad ng iba pang bahagi ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ay hindi maaapektuhan. Ang lahat ng iba pang mga sugnay ay mananatiling naipatutupad at may bisa. Hangga’t maaari kung saan ang anumang sugnay/kapaloob na sugnay o bahagi ng isang sugnay/kapaloob na sugnay ay maaaring tanggalin upang magkabisa ang natitirang bahagi, ang sugnay ay ipakakahulugan nang naaayon. Bilang alternatibo, sumasang-ayon kayo na ang sugnay ay dapat na iwasto at ipakahulugan sa paraang katulad ng orihinal na kahulugan ng sugnay/kapaloob na sugnay tulad ng pinahihintulutan ng batas.

Mga Reklamo

Nagpapatakbo kami ng isang pamamaraan ng pag-asikaso sa mga reklamo na gagamitin namin upang subukang lutasin ang mga hindi pagkakaunawaan kung kailan unang lumitaw ang mga ito, mangyaring ipaalam sa amin kung mayroon kayong anumang mga reklamo o komento.

Pagpapaubaya

Kung lalabagin niyo ang mga kondisyong ito at wala kaming gagawing aksyon, may karapatan pa rin kaming gamitin ang aming mga karapatan at remedyo sa anumang iba pang sitwasyon kung saan niyo nilalabag ang mga kondisyong na ito.

Buong Kasunduan

Ang Mga Tuntunin ng Serbisyo na nasa itaas ay binubuo ng lahat ng kasunduan ng mga partidos at pinapalitan ang anuman at lahat ng nauna at kasabay na mga kasunduan sa pagitan niyo at www.howtouseabortionpill.org. Ang anumang pagpapaubaya sa anumang probisyon ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ay magiging epektibo lamang kung nakasulat at nilagdaan ng isang Direktor ng www.howtouseabortionpill.org.