Ano ang Aming Ginagawa
Ang HowToUseAbortionPill ay gumagana para magbahagi ng mga katotohanan at mapagkukunan tungkol sa abortion pill – kung ano ang isasaalang-alang sa umpisa pa lang, saan makakukuha ng mga de-kalidad na abortion pill, paano gamitin ang mga ito nang ligtas, ano ang aasahan, at kung kailan dapat humingi ng medikal na tulong kung kinakailangan. Narito kami upang bigyan ang mga tao ng impormasyon na kailangan nila upang ligtas na igiya ang aborsyon sa kanilang mga sariling pamamaraan.
Saan kami gumagawa
Ang HowToUseAbortionPill ay isang pandaigdigang organisasyon – narito kami upang magbigay ng impormasyon at mga mapagkukunan. Kasalukuyang naisaling-wika namin ang aming website sa 26 na wika. Kailangan ng wika na hindi niyo nakita? Kontakin kami sa info@howtouseabortionpill.org
Pagtatatuwa:
Ginagawa ang bawat pagsusumikap para tiyakin na tumpak ang impormasyong nakalagay sa mga pahina ng website. Gayunpaman, ang mga nilalaman ay pana-panahong sumasailalim sa pagbabago at walang tatanggaping pananagutan ang mga may-akda para sa katumpakan ng impormasyong iprinesenta sa anumang panahon.
Mga Sanggunian
- “Induced Abortion.” American College of Obstetrics and Gynecologists. https://www.acog.org/Patients/FAQs/Induced-Abortion
- “Care for Women Choosing Medication Abortion.” The Nurse Practitioner. https://journals.lww.com/tnpj/Citation/2004/10000/Care_for_Women_Choosing_Medication_Abortion.9.aspx
- “Safe abortion: technical and policy guidance for health systems.”The World Health Organization. https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/70914/?sequence=1
- “Clinical updates in reproductive health.” Ipas. https://www.ipas.org/resource/clinical-updates-in-reproductive-health/
- “Providing medical abortion in low-resource settings: An introductory guidebook. Second edition.” Gynuity. https://gynuity.org/assets/resources/clinguide_maguide2nd_edition_en.pdf
- “Clinical policy guidelines for abortion care.” National Abortion Federation (NAF). https://5aa1b2xfmfh2e2mk03kk8rsx-wpengine.netdna-ssl.com/wp-content/uploads/2018_CPGs.pdf
- “First trimester abortion guidelines and protocols – Surgical and medical procedures.”International Planned Parenthood Federation. https://www.who.int/publications/i/item/9789240039483
Mga May-akda:
- Lahat ng nilalaman na itinampok sa website na ito ay isinulat ng HowToUseAbortionPill.org team alinsunod sa mga pamantayan at protocol mula sa The National Abortion Federation, Ipas, the World Health Organization, DKT International at carafem.
- Ang National Abortion Federation (NAF) ay ang propesyonal na samahan na nagkakaloob ng pagpapalaglag sa Hilagang Amerika, at ang lider sa pro-choice movement. Ang nilalaman ng HowToUseAbortionPill.org ay nakahanay sa mga alituntunin sa Klinikal na Patakaran ng 2020 na inilabas ng NAF.
- Ipas ay ang internasyonal na organisasyon na nakatuon lang sa pagpapalawak ng akses sa ligtas na pagpapalaglag at pangangalaga na kontra sa pagkakaroon ng anak. Ang nilalaman ng HowToUseAbortionPill.org ay nakahanay sa Mga Klinikal na Update Sa Reproduktibong Kalusugan ng 2019 na inilabas ng Ipas.
- Ang World Health Organization (WHO) ay isang espesyalisadong ahensiya ng United Nations na responsable sa internasyonal na pampublikong kalusugan. Ang nilalaman ng HowToUseAbortionPill.org ay nakahanay sa Ligtas na pagpapalaglag ng 2012: alituntuning teknikal at patakaran sa mga sistema ng kalusugan na inilabas ng WHO.
- Ang DKT International ay isang rehistradong, hindi nagtutubong organisasyon na itinatag noong 1989 upang magtuon ng pansin sa kapangyarihan ng social marketing sa ilang malalaking bansa na may mga pinakamatinding pangangailangan sa pagpaplanong pampamilya, pag-iwas sa HIV/AIDS at ligtas na pagpapalaglag.
- carafem ay isang klinikal na network na nagbibigay ng kumbenyente at propesyonal na pangangalaga sa pagpalaglag at pagpaplanong pampamilya upang sa gayon makontrol ng mga tao ang bilang at agwat ng kanilang mga anak.