Calculator ng Pagbubuntis
Gaano katagal na kayo sa inyong pagbubuntis? Ipinapahiwatig ng mga pananaliksik na ang medikal na aborsyon ay pinakamadalas na inirerekomenda para sa mga pagbubuntis bago ang 13 linggo simula noong huli niyong regla. Gamitin ang calculator sa pagbubuntis para malaman kung gaano katagal na kayong buntis, mula sa inyong huling regla.
Kung ang inyong huling regla ay nagsimula noong o pagkatapos ng:
Oktubre 21, 2024
Maaari niyo pa ring ikonsidera ang paggamit ng mga abortion pill.
Higit na ba kayong 13 buwan na buntis?
Ang protocol na HowToUseAbortionPill ay nilalayon lamang para sa mga pagbubuntis na hanggang sa 13 linggo. Gayunpaman, maaaring inumin ang mga abortion pill kalaunan sa pagbubuntis gamit ang isa pang protocol.
Para sa higit pang impormasyon, maaari kayong makipag-ugnayan sa ating mga kaibigan sa www.womenonweb.org. O pumunta sa aming mga profile ng bansa para matuto pa tungkol sa mga mapagkukunan sa aborsyon sa inyong bansa.
Mga konsiderasyon bago uminom ng mga abortion pill
Pangkalahatang Payo
Paggawa ng Planong Pangkaligtasan (Safety Plan)
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang aborsyon gamit ang pills ay napakaligtas at bihira ang mga komplikasyon. Gayunpaman, mainam na maging handa para sa isang medikal na emerhensya kung kinakailangan. Ikonsidera ang mga tanong sa ibaba upang tumulong gumawa ng inyong planong pangkaligtasan (safety plan) sakaling kailanganin niyo ito.
Mga Sanggunian:
- “Induced Abortion.” American College of Obstetrics and Gynecologists. https://www.acog.org/Patients/FAQs/Induced-Abortion
- “Care for Women Choosing Medication Abortion.” The Nurse Practitioner. https://journals.lww.com/tnpj/Citation/2004/10000/Care_for_Women_Choosing_Medication_Abortion.9.aspx
- “Safe abortion: technical and policy guidance for health systems.”The World Health Organization. https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/70914/?sequence=1