Paano Gumagana ang Medikal na Abortion Pills
Itinitigil ng Mifepristone ang pagbubuntis sa patuloy na paglaki, at tinutulungan na bumukas ang sipit-sipitan (pasukan papunta sa matris). Ang Misoprostrol ay nagsasanhi na umurong ang matris, na kalaunan ay itutulak palabas ang pagbubuntis.
Sa oras na ang misoprostol ay tinanggap ng katawan, magsisimula na ang paghilab at pagdurugo. Karaniwan itong nagsisimula sa loob ng 1 hanggang 2 oras ng pag-inom ng unang set ng pills. Karaniwang nangyayari ang aborsyon sa loob ng 24 na oras ng pag-inom ng huling pills ng misoprostol. Kadalasan, nangyayari na ito bago pa mag-24 na oras.
Nababahala Pagkatapos Uminom ng Mga Abortion Pill?
Nasa ibaba ang ilan sa mga paraan para masabi kung naging matagumpay ang aborsyon:
- Maaaring matukoy niyo ang tissue sa pagbubuntis kapag lumabas na ito. Maaaring magmukha itong maiitim na namuong dugo na may maninipis na lamad (membranes), o isang maliit na suput-suputang (sac) napapaligiran ng isang maputi at malambot na sapin. Depende sa edad ng pagbubuntis, maaaring ito ay maging mas maliit sa iyong kuko, o hanggang sa laki ng iyong hinlalaki.
- Ang pagdurugo sa panahon ng proseso ng aborsyon ay kadalasang kahalintulad sa isang cycle ng regla, o maaaring mas higit pa.
- Ang mga sintomas mo ng pagbubuntis ay bubuti. Ang mga bagay-bagay na tulad ng pananakit ng suso, pagduduwal, at pagkapagod ay dapat na magsimula nang bumuti.
Mga Sanggunian:
- “Induced Abortion.” American College of Obstetrics and Gynecologists.
https://www.acog.org/Patients/FAQs/Induced-Abortion - “Care for Women Choosing Medication Abortion.” The Nurse Practitioner.
https://journals.lww.com/tnpj/Citation/2004/10000/Care_for_Women_Choosing_Medication_Abortion.9.aspx - “Safe abortion: technical and policy guidance for health systems.”The World Health Organization.
https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/70914/?sequence=1